Ngayon ko lag narerealize ang mga bagay bagay at sobrang nalulungkot ako na hinayaan kong mangyri yung mga yun. :(
Wala lang. Tatlong taon ko na rin pa lang hindi na guguard yug heart ko, and kaya siguro ganun na lang yung pain na nararamdaman ko kasi lagi ko na lang pinapairal ang puso at kung ano man yung nararamdaman ko.. Tama nga yung sinasabi nila na ang puso raw ay madaya at mapanlinlang lalo na kung hindi mo talaga siya iguguard.. Sobra sobra akong nainlove to the point na mas mahal ko na siya kaysa sa sarili ko. Sobra akong nainlove to the point na kahit hindi na ko nirerespeto pero continue pa rin yung love ko para sa kanya. Sobra akong nainlove to the point na nasasacrifice ko na yung mas mahahalagang bagay para lang ibigay ko yung buong time ko para sa kanya. And yung pinaka masakit ehh sobra akong nainlove to the point na pati yung will ni Lord hindi ko na nasusunod. Sobrang nakakahiya pero yun yung totoo, matagal na panahon na sa kanya lang umikot yung buong buhay ko. Sobra sobra akong nainlove sa kanya na nakalimutan ko na may Diyos pala akong mas dapat kong pinagtutuunan ng panahon at pagmamahal. At alam mo yung masakit dun? Yung alam mong ikaw lang yung sobra sobrang nagmamahal pero pinagpapatuloy mo pa rin kasi nga mahal na mahal mo siya.. Shocks drama ko na :)) hahaha. Hindi naman ako naninisi or ano kasi matagal na yun.. Nalulugkot lang ako na ngayon ko lang narerealize tong mga bagay na to. Na hinayaan kong madeceive ako ng puso ko ng ganun ganun na lang. :((
Pero sabi nga nila hindi pa huli ang lahat, sa lahat ng bagay na nangyari sayo wag mong pagsisihan yun kasi dun ka talaga matututo.. :) Ngayon na meron na akong relationship with God, ngayon na punong puno ako ng passion in seeking Him and His words masasabi ko na hinding hindi ko na hahayaang mangyari pa ulit yun.. Ayoko ng maloko at magpadala sa nararamdaman ko.. And ito na rin siguro yung huling pagkakataon na iispin or babanggitin ko yung mga nangyari sa atin kasi ngayon happy na ko. :) kasi ngayon secured na ko by God’s love and hindi na ko papayag na itrato ako ng ibang tao gaya ng kung paano mo ko tnatrato.. At ngayon masasabi ko na talaga na I’m FREE. :DD. Weeeeee.. Yun wala lang basta ngayon masayang masaya na ko and finally masasabi ko na ring buong buo na ulit ako at hindi na gaya dati na mabubuo lang ako dahil sayo pero buong buo at masayang masaya na ko kasi meron akong God na nagdefine kung sino talaga ako at finifill yung security ko para maging masaya. :)
Hmmm, Gusto ko lang ishare yung mga nangyari kahapon at ngayong araw na to. :) Yun, kahapon kasi nagyaya si Bianca ng na magkinect parang libre na niya sa amin kasi birthday niya nung Friday ayun, so nagkinect kami so sobrang dami namin kasi kasama na yung mga Lifebox people yun :> nung una nahihiya ako kasi hindi ko naman sila masyadong kilala kaya yun pero naging ok na rin naman kasi mababait naman mga tao dun tapos after magkinect may surprise birthday party na hinanda for Bianca, yun wala masaya lang alam mo yung Lifebox pipol kahit sinong isusurprise game sila kahit hindi na hindi naman masyadong kilala go pa rin sila. Yun sobrang nakakatouch lang na makakilala ng mga taong ganun yun.. kahit nung birthday ko last year may mga messages sila para skin kahit hindi nila ko ganun kakilala. Nakakatuwa lang kasi alam mo sa simpleng bagay na ginagawa nila parang feeling mo napakaspecial mo yun.. Tapos may nangyari nung surprise na masyado akong kinilig na wala namang sense pero akin na lang muna yun. Hehe. Bagong inspirasyon lang naman yun nothing serious. Hehehe. Basta happy lang :”>
Tapos yun, hindi na ko umuwi kasi masyado ng late kaya ngayong Wednesday sa dorm lang ako tapos nung umaga meron akong 3 mahahalagang ishare kay God about sa mga nangyayari sakin. Una na dun ehh yung acads ko, parang sobra kasi akong naistress ngayon sa Math 54. Parang sobra sobra na yung pressure na nafefeel ko at hindi ko alam kung paano ko ihahandle. Ang nasa isip ko kasi hindi ko kakayanin tapos babagsak ako ayun, pinagpray ko lang na maging positibo lang ako sa bagay at isiping kakayanin ko lahat na dumating sa buhay ko. :)
Pangalawa, ehh yung gusto ko lalong maenggage sa Lifebox i mean gusto ko pa lalo iserve si God, magmake ng disciples, mag reach out sa ibang tao para lalo nilang makilala si God. Gusto kong gawin ko rin sa iba kung anong natulong sa akin ng Lifebox. Gusto ko maexperience din ng ibang tao kung ano man naeexperience ko ngayon lalo na I have a stronger relationship with God.. Pero may mga bagay kasi na parang naghihinder sking gawin yun. Una ehh yung nahihiya kasi ako sa ibang tao parang feeling ko wala sa capabilities ko yung magyaya at maginvite sa ibang tao ganun. Yun pinagpray ko talaga kay Lord na kahit papano maovercome ko tong problem na to at mkapag reach out na rin sa iba tapos kanina lang may UBE kasi sa Sunken Garden ang Lifebox so parang bonding experience siya kasama yung mga Lifebox pips tapos yun sobrang answered prayer kasi nga malapit na ulit magpasukan tapos enrollment na kasi para sa mga incoming freshmen ayun, balak nilang magbigay ng mga maps at mga bottled water parang activity siya ng Lifebox ayun, parang naisip ko isang way to para maenggage pa kong tumulong sa iba maovercome yung hiya ko ganun yun sobrang naaamaze lang ako na gumagawa talaga si God ng way para masagot lahat ng prayers ko. Wala ang galing galing lang niya :’)
Pangatlo, ehhh yung personal feelings ko para sa isang tao. ewan ko alam ko kasi hindi na talaga tama ehh.. At kasalanan ko rin kasi di ko na nguguard yung heart ko kaya lalo lang lumalala kaya pinagpray ko lang kay Lord na kung ano man yung feelings ko sakanya mawala na lang or madivert sa ibang bagay yung atensyon ko para kahit papano maayos na. Hindi ko nga ba alam kung bakit nararamdaman ko pa rin yun. Parang hindi na ko natuto sa mga nangyari dati pero yun sana talaga maging ok na rin ang lahat.. Alam ko naman mangyayari yun and lahat yun dahil kay God. :)
Ayun„, alam mo kahit hindi lahat ng nangyayari msaya at ok sobrang thankful pa rin ako kasi ang dami dami pa ring blessings ni God. Alam mo yung kahit may bagay na hindi ok mkikita mo pa rin yung postibong side dun. Ayun sobrang happy lang ako at thankful. :’) Thank you Lord.. Yun lang. hehhe.. :) Sana nainspire ko kayo guys. :>
Bakit kaya may mga taong, gusto nating bumalik sa buhay natin? Pero kahit anong gawin natin hindi na babalik sa dati kasi sobrang dami ng nangyari.. Yung tipong umaasa ka na ngayon magiging iba na, kasi nga natuto na kayo sa mga nangyari noon pero hindi ehh mas malala pa sa kung anong nangyari dati.. Hanggang ngayon nasasaktan ka pa rin. Sa totoo lang, galit na galit na galit ako kasi sobra sobra na yung kabutihang pinapakita sayo pero sobra kang mang g*g* sobra.. Hindi ko alam bakit hinaayan ko ulit mangyari yung dati, siguro dahil nagpadala nanaman ako sa nararamdaman ko. Ayokong makaramdam ng galit kasi alama ko walang mangyayaring maganda pero yun yung nararamdaman ko sayo… Inis na inis ako. Gusto kitang sapakin kung pwede lang para maramdaman mo lahat ng sakit na nararamdaman ko. Ni isang sorry wala akong narinig.. Wala ni isa.. Hindi ko deserve masaktan ng ganun kaya hinding hindi ko na gagawin ulit yun. Kung may natitira pa sayo sana makonsensiya ka naman..
Di ko akalain makakapagsalita ako ng mga ganyan siguro dahil sa sobrang sama ng loob ko.. :(( Nagkamali ako hinayaan kong gawin mo ulit sakin yung mga ginawa mo dati.. Pero ngayon tapos na. tapos na tapos na.. Kung mas mkakabuti sigurong maramdaman ko tong galit na to para kalimutan lahat ng mga pinagagawa mo. Hinding hindi na ulit mangyayari to. At kung magkikita man tayo sasalubungan kita ng isang malaking ngiti at sasabihing ” Hinding hindi mo na ko magag*g* ulit.”
Hindi ko alam kung bakit ganun nanaman nararamdaman ko.. Ayun nanaman ako, ganun na ganun pa rin hindi ko alam.. Alam ko ng mali at hindi tam pero Go pa rin ako ng go. Bakit? Huhuhuhuhuhu.. Ayoko na ng ganitong feeling.. Dapat nung simula pa lang di ko na tinolerate para ngayon hindi na ko nahihirapan. Huhuhuhu. Sana mawala na rin to.. :((
Hmmm, andami daming tumatakbo sa isip ko ngayon. Hehehe pag bakasyon talaga wala kang magawa at andami dami mong naiisip na kung anu-ano. Hehehe. Hmmmmm, ngayong Holy Week medyo bothered ako lalo na sa Acads stuff. Aminado talaga ako na hindi talaga maganda yung mga grades ko sa halos lahat ng subjects ko lalo na sa major subjects ko. Hmmmm, ewan ko ba, lahat sila pababa lahat sila parang ayaw talaga s’kin. Hmmm, maraming times na ayoko na talaga yung tipong sawa ka na kasi kahit anong gawin mo ganun pa rin yung magiging outcome mababa pa rin bagsak pa rin. Nahihiya nga ako ehh, ewan ko parang sa buong stay ko sa UP wala pa kong nauuno na mga Long exam sa kahit anong subject. Tapos yung mga schoolmates ko yun halos lahat uno nila, yun kahiya lang parang di kayo nanggaling sa parehong school at parang wala kang natutunan nung grumaduate ka. Yun sobrang nakakastress ang mga bagay bagay.. Siguro, kaya ganito kasi di ako nag-aaral ng mabuti siguro kulang pa ko sa pag-aaral na dapat pag may bagong lesson at di ko masayadong naiintindihan, after ng class dapat nagfofollow up ako at nagbabasa basa para pag may bago nanamang lesson naintindihan ko na yung mga previous lessons at para pagdating ng exam hindi ganun kababa yung score ko.. Hayysss, stressed. Kaya ngayon bago magfinals ehh mag-aral talaga ako ng mabuti kasi DO or DIE na to. Bagsak o Pasado na to.. Pag bumagsak pa naman ako, maraming masasayang at maraming mawawala kaya dapat ibigay ko na lahat.. :(
Isa pang nakakapagpalungkot s’kin ehh yung mga pag naalala ko nanaman si * dating chuvaps* Hehehe. chuvaps talaga ehh. Ewan ko ba ‘lam mo yung feeling na gusto mo kayo nalang ulit ewan ko ba kung bakit ganun, di ko alam kung mahal ko pa rin siya, namimiss ko lang siya o naiingit lang ako sa iba kasi gusto ko lang talaga na may kasama rin ako at inspirasyon sa lahat ng mga nangyayari skin. Yun, hindi ko talaga alam pero ang alam ko hindi ko na dapat iniisip yun, hindi dapat ako mainggit kasi dapat secure ako sa love God at kung minsan may mga times na naiinip ako and yun gusto ko rin sana may isang taong nagiinspire skin sa araw-araw hmmm dapat ang iniisp ko eh in God’s time ibibigay niya rin sakin yun and dadating yun ng sobra sobra pa sa inaasahan ko kaya ngayon dapat pagbutihan ko muna ang pag-aaral ko.
Sa kabila naman ng lahat ng worries at takot ko sa mga Acads stuff at chuvaps na yan, isa lang ang kinakapitan ko para maging malakas ako at matibay. Walang iba kundi si Lord. Sobrang thankful ako kasi I have that personal relationship with Him na anytime I want to cry and share all my worries and fears I know nakikinig siya at alam ko sinasabi niya s’kin na Anak, wag ka mag-alala mahal na mahal kita, hinding hindi kita pababayaan. Siya lang yung nakapagpagaan ng loob ko and dahil sa kanya sobra akong napapanatag. :) And ang prayers ko lang ngayon ehh mas lumalim pa yung relationship namin at sana magcontinue pa yung passion ko in seeking Him in my life at sana sa kahit ano pang mangyari s’kin hindi ako magpapaapekto and keep the faith lang. :DD
Nung pauwi na kami galing MOA, andami daming tumatakbo sa isip ko.. Alam mo yun, di ko alam kung natutuwa ba ko o malulungkot.. Ang gulo gulo ng utak ko and di ko alam kung tama ba yung mga naiisip ko ng mga panahong yun..
Alam mo yung, galing ka sa isang napakagandang volleyball game tapos nainspire ka sa mga taong yun kasi ang gagaling talaga nila. Naisip ko tuloy, paano kaya kung subukan ko ring maglaro ng volleyball kasi wala talaga akong sport tska para masubukan ko naman, malay mo may talent pala ko dun, di ko lang alam. Natatakot kasi ako ehh, nandun lagi yung takot na baka pagnawili ako mapabayaan ko yung pag-aaral ko, ngayon pa nga na puro acads lng pinoproblema ko bagsak bagsak nko paano pa pag nagtry akong pumasok sa mga ganyang bagay. Wala langg, sobrang humanga lang talaga ko kay Marano kaya siguro napagiisip ko tong mga bagay na to. Naisip ko rin na parang takot na takot akong magtake ng risk, wala lang. nandun ako palagi sa playing safe, na takot na takot magkamali. Di ko narerealize na dapat wag ako matakot magexplore at sumubok ng mga bagay bagay.. Ewan ko ba. Hindi ko naiisip na sa bawat pagbagsak o sa pagtatry ng mga bagay ehh mas marami akong matutunan. Takot na takot kasi akong umako ng responsibilidad kasi baka di ko magampanan kaya siguro ganito akoo. Hahaha. Drama much. Andami dami kong naiisip. Grabehhh..Pero sana matry ko talaga tong paglalaro ng volleyball para kahit papano may matatawag man akong sport at para alam mo yun, kahit papano may iba rin akong hobby kung nagkataong natuto talaga akong maglaro..
Ito pa isa sa mga kinagugulo ng utak ko, bumabalik nanaman ako dun sa dating TIN na wiling wili sa tao na yun.. Ewan ko baaaa, ano bang nangyayari skin.. HIndi dapat ganito yung nararamdaman ko pero ganun ehh, alam mo yung lahat na ng negative traits ng taong yun alam na alam ko na pero yung feelings ko ganun na ganun pa rin. Nakakainis talaga. Siya pa rin yung taong nkakapagbadtrip skin at sya rin yung taong makakapagpawala ng galit na yun dahil sa konting amo skin. Nakakainis. Lahat ng dahilan para di ko siya mahalin naisip ko na pero ganun pa rin yung nararamdaman ko.. Antagal tagal na naming hindi nagkikita pero bakit ganun? HUHU. Alam ko wala ng paki skin yun at pinagtitripan lang ako nun pero bakit ganun? HUHUHU. Ayokooo naaaaaaaaaa. Dapat ko na lang sigurong isantabi ito para hindi na lumalim pa, pag kasi iniisip ko ng iniisip lalong gumugulo utak ko… Hayyyyyy.
Pero sa kabila ng kaguluhan ng utak ko, nagpapasalamat pa rin ako kasi lahat ng kagustuhan ng puso ko, tinutupad ni Lord. Lahat to, blessings niya kahit andami dami kong kalokohan, binibigay pa rin niya yung desire ng puso ko. Huhuhu. Thankyou Lord sa lahat lahat. :’)
Wala lang, gusto ko lang ishare yung mga experience ko nitong mga nakaraang araw. Sobrang nakakatuwa. :D Wala lang, parang lahat ng bagay positibo kaya gusto ko ishare. Sorry kung mababaw lang pero sabi nga nila sa lahat ng maliit na bagay na nangyayari sa iyo, matuto kang magpasalamat. Kaya gusto ko tong ishare at para mainspire naman yung mga taong nakakabasa nito kung meron man..
Unang, nangyari ehh, nung weekend masyadong stressed yung nanay ko kasi walang pambayad ng tuition fee yung kapatid ko ehh exam na sa Monday so inaasahan niya yung allowance lang namin kasi yung pambayad sa tuition fee niya pinambayad muna sa dorm namin kaya umaasa siya na meron na kaso sobrang tagal na kasing wala kaya feeling ko wala pa rin talaga. Tapos nung chineck namin, laking tuwa namin meron na pero isang buwan pa lang pero alam mo yun, ang bait bait ni Lord kasi nagprovide talaga siya kahit walang wala kami kaya sobrang thankful ako. :D
Pangalawa naman, yung PE tournament namin, ang start kasi nun 7 am Monday. Tapos galing kasi akong bahay kaya late na ko mga 8 am na ko nakarating dun sa Track Oval. Pagdating ko dun 5 pa lang kaming magkakaPE. Tapos yung ibang team, andami dami na nila. So sa isip isip ko, nako mukang konti lang kami at mukang walang teamwork sa PE namin kasi wala pa nga yung iba pero habang tumatagal dumadami na kami unti unti ng dumadating yung mga kaPE ko tapos yun, sobrang saya, teamwork talaga lahat tumutulong, lahat gustong manalo lahat talaga makikita mo nageenjoy at binibigay yung best nila.. Yung tipong kahit mainit chinicheer ang bawat isa na sumasali sa game. Yun sobrang saya talagaa. Tapos bonus pa nanalo kami. Sobrang worth it yung sakit ng katawan ko ngayon kasi panalo naman at naenjoy ko talaga yung bonding kasama mga PEmates ko. :> Yun, sana matuloy man yung pinaplanong outing para mas maging close pa kami.. :DD
Pangatlo naman, yung Unknown Analysis namin kanina, sobrang tensiyonado nanaman ako pero nakuha ko naman siya lahat kaya sobrang thankful ako. Yun wala lang, masaya lang ako at thankful kay Lord ngayoon. :DD Sana magpatuloy sa results ng 4th LE sa math at part 2 ng Unknown Analysis. :DD Tiwala lang kasi lagi naman siyang nandiyan. :D
NItong mga nakaraang araw, sobra kong naiistress sa buhay kooo. Sobraaa. Alam mo yung feeling na wala ka ng gana, kasi kahit anong gawin mong hirap o pagod eh walang nangyayari. Kaya nung Biyernes, Sabado at Linggo wala talaga akong ginawa, wala kang ganang mag-aral, gusto mo lang magpahinga, matulog, kumain at magrelax. Yung feeling na pagod na pagod ka ng lumaban kasi alam mo sa dulo kahit na anong gawin mo bagsak ka pa rin, wala pa ring mangyayari so bakit pa dba? Hahhaha. Drama ng post ko. Sorry.. Wala lang, Hugot yan sa mga kinakalabasan ng mga grades ko sa Acads. Gusto ko ng maggive up kasi ansakit sakit sa feeling na wala namang kinahihitnan yung efforts mo.. Nakakapagod, alam mo yung feeling na, Bakit ganun Lord? Lahat na lang nangyayari mali. Lahat na lang bagsak. Lahat na lang malungkot. Bakit ganun Lord? Hindi ba to para s’kin? Hindi ba talaga ko para sa UP? Bakit ang bobo ko Lord? Bakit ganito Lord?
Pero nitong umaga, pag kasi nstress ako nakikinig ako ng mga podcasts sa phone ko. Tapos napakinggan ko yung isang podcast ni Joel Osteen tas ang title niya “Stay in the Game”. Sobrang natamaan ako dun sa mga sinabi niya.. Naiiyak ako nung pinapakinggan ko yun. Sabi niya dun kahit gaano kabigat yung nararamdaman mo at pinagdadaanan mo ngayon. Wag kang mapapagod, wag kang titigil kasi sa kabila ng paghihirap mo ngayon, lahat yan ibabalik saiyo ni Lord. Irereward ka niya ng higit pa sa inaasahan mo. Wooooooh!
Don’t stay in the sidelines but stay in the game. I’m hurting but I’m still here. Kayang kaya ko pa. Wooooh. Yan yung mga tumatak sakin habang nkikinig ako. Nrealize ko na hindi dapat ako sumuko at kailangan mas pagbutihan ko pa kasi kahit nahihirapan ako at parang lahat nangyayari mali at hindi ayon sa kung anong gusto ko. Alam ko si Lord, may mas magandang plano para skin na higit pa sa inaasahan ko. Fight lang Tin. Tiwala lang sa kanya.
Hello! Ako si Christine Joy M. Cardama, pwede ring Tin. Agustinian-MaScian-Iska. Simple,maingay at makulit. Isang taong may malaking pagpapahalaga sa kaniyang Diyos at mga mahal niya sa buhay. Ang tumblr na to ay ginawa para maibahagi ang bawat karanasan ko sa buhay at kung paano tingnan ang bawat ng araw ng masaya at punong puno ng kulay.
TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE TEXT HERE